kasama ba ako?
kasama ba ako
sa mga pangarap
mo ngayong gabi?
kasama ba ako
sa mga paglalaro
mo sa pampang
ng kinabukasan?
magkahawak ba
ang mga kamay natin
habang lumilipad ka sa
mga alapaap
at nanghuhuli ng bituin?
makakasama ba kita
sa iyong mga dapit hapon
ilang taon pa
mula ngayon?
kasama ba ako
ng iyong kahapon,
ngayon at
bukas?
sana
isama mo ako
gaya ng pagsama ko sa’yo
sa aking paglalayag
sa dagat ng buhay.

Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.