itext mo na lang
kung ayaw mo na,
i-text mo na lang.
isosoli ko na lang
ang kaligayahang hiniram ko sa’yo.
tutupiin ko na
ang mga pahina ng
mga pangarap na iginuhit ko
para sa ating dalawa.
kung ayaw mo na,
i-text mo na lang.
napansin ko kasi,
magmula nung makalawa,
mapakla na.
me nasabi ba ako,
o me ginawa,
o me kulang ba?
o napagtanto mo
na di ka na masaya.
i-text mo na lang,
kung wala na talaga.
pipikit na lang ako
at iiyak.
dahila mahal pa kita.

Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.