maling tama ng amats
kelan pa ba
nahuhugasan ng
alak ang kirot?
kelan pa ba
naisasama ng usok
ang pighati?
kelan pa ba
nawawala ang
bagabag ng
kaluluwang pagod
at nanlulumbay?
lagok, hitit-buga.
walang katuturan ang lahat.
sana mawala na.
walang patid ang
kawalan ng
katuturan.

Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.